Daddy. Marky. Cyrus+. Ichan. Kizzie. GOD. My life revolves around them now.
Thursday, November 27, 2008
If You Only Knew
I give you anything everything
If you would be mine
I give you stars above and all my love
* How can you be so blind, so blind
I'm going up my mind
All the time for you
Yes it's true
Refr. If you only knew that I'm crazy for you
then you'll understand
If I only knew what's you're goin' through
then I'll understand
Now I know that I have no chance
Oh... to make your mind
But if I own the world
Would you be my (man)
I love you, Kris......
Kailan ba kita pwedeng mahalin na wala nang magagalit dahil mahal kita?
Magagawa ko bang pigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo....
Kung seryosong oras-oras, minu-minuto, hindi ko maiwasang maisip ka....
Kung seryosong tuwing makakakita ako ng iba, bigla na lang sasagi sa isipan ko na iba ka talaga....
Kung seryosong sa tuwing maiisip kita, grabe ang pagtibok ng puso ko....
Kung sa tuwing tumitibok ang puso ko, laging nabubuksan ang aking mga mata sa hinaharap....
Sa isang hinaharap kasama ka....
Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, 'andito pa rin ako para sa 'yo.
Mahal na mahal kita....
If I'm not in love with you
What is this I'm going through
Tonight
And if my heart is lying then
What should I believe in
Why do I go crazy
Every time I think about you, baby
Why else do I want you like I do
If I'm not in love with you
And if I don't need your touch
Why do I miss you so much
Tonight
If it’s just infatuation then
Why is my heart aching
To hold you forever
Give a part of me I thought I’d never
Give again to someone I could lose
If I'm not in love with you
Why in every fantasy
Do I feel your arms embracing me
Lovers lost in sweet desire
Why in dreams do I surrender
Like a little baby
Someone help explain this feeling
Someone tell me..........
All About Goals
Had the blessed opportunity to engage in chitchat with my dearest earlier... made me envious yet proud to have a loved one who knows his place in the world, who knows where he's headed to, and whose life is not that dead-ended such as mine.
Makes me wanna wonder, once more, kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa life ko. What do I wanna be able to do? What do I wanna accomplish? Where I am headed in the next five years?
Why all the fuss?, you may ask. You see, five years ago, when I was still a college student, I had a really clear vision of what I want to be in the next five years. I know my place in the world, I know where I'm at, and I know where I'll be in the next five years. And yes, dumating na nga ang five years na 'yun. Ang hindi ko lang inexpect, sa sobrang dami ng mga biglang nangyari, hindi ako nakapag-vision-mission planning sa susunod na namang five years dahil sa pagkawindang-ever ko. Kaya heto ako ngayon, nangangapa... at nangangamba, dahil saka ko na-realize na ang next-five-years life planning pala ay mas importante ngayon na done na ako with school. Ang difference kasi kapag nasa school ka pa, at least, may nakalatag na talagang plan para sa 'yo, dahil anyway, wala ka namang ibang gagawin kundi mag-aral talaga. Sumunod sa utos ng iyong mga magulang. Sumali ng extracurricular activities kung hilig mo. Mag-take ka ng summer o part-time job kung hindi kaya ng parents mo na pag-aralin ka. Pero bottom line is, specific lang talaga ang goal mo: ang malaman kung ano ang gusto mong maging paglaki mo, ang makatapos ng pag-aaral, at makita ang katuparan ng gusto mong maging paglaki mo.
Heto ang sinasabi ko. 'Yung point na dumating na sa katuparan 'yung gusto mong maging paglaki mo. Dumating na ako sa puntong iyon. Dumating na ako sa puntong nakikita ko na sa sarili ko kung ano 'yung gusto kong maging paglaki ko, at masaya na sana ako... kung hindi lang dumating ang samu't saring mga pagsubok. Maraming times na nagtatanong ako, bakit nga ba nangyayari sa akin ang lahat ng mga ito? Ngayon ko unti-unting nare-realize (at marami pa akong realizations na dapat malaman) na nangyayari ang lahat ng ito hindi talaga dahil hinayaan ko ang mga itong mangyari (although may mga pagkakataon na oo, hinayaan ko talagang mangyari... pero generally ngayon, that is), kundi dahil all these things are INEVITABLE. Ang nakakainis lang, alam ko naman noon pa man na inevitable ang mga bagay na ito noon pa man, pero hindi pa rin ako nakapag-isip ng mitigating measures para in case na mangyari ang mga ito, ready na ako. Pero ayun, siguro ganun talaga. Anyway, hindi naman talaga ako sinanay sa aking paglaki kung ano talaga ang gagawin ko sa mga ganitong bagay. I've always been in a guessing game. I wanna ask, kaya lang kasi, whenever I ask, lagi lang akong nadi-disappoint, kasi although may encouragements, alam niyo 'yun... parang lagi pa rin talagang lamang ang mga OK-hindi-mo-pwedeng-gawin-'yan-ito-ang-dapat-mong-gawin-kung-hindi-mali-ka ek-ek. OK lang sana talaga kung isa, dalawang beses lang sa isang sitwasyon... kaya lang, kung all the way na lang ganun, parang... ano ba? Mabubuhay na lang ba ako habambuhay na sumusunod sa utos? O sa "suggestion," dahil iyon ang tawag nila ro'n (na kapag hindi mo sinunod, takwil ka na, menos trust na sa 'yo for life)?
Pagod na akong mabuhay na pilit akong gumagawa ng mga hakbang para ako mag-grow, pero lagi akong may takot dahil hindi papabor sa ilan. Gusto kong mag-try ng something new. Gusto kong magpakarebelde, maging aktibista, pero in the constructive kind of way. Kasi alam ko, kaya ko naman. At alam din naman nila na kaya ko. Pero bakit tuwing nagsasabi ako, para bang lagi na lang mali, laging huwag? Eh 'yun naman ang ginagawa ko sa mga pagkakataong nagkaka-shining moments ako in life? 'Di ko lang sinasabi kasi alam ko na, matatakot na naman ako.
So, let's zero in. Ano ba ang gusto ko talaga? Here goes:
* Gusto ko talagang ma-experience na bumukod. Kahit start muna sa rent ng bahay o kwarto... basta my own personal space. Kasama ko si Eds. May options na akong nakita. Alam ko, magiging magastos. At mas mahirap. Bukod sa magbabayad ako for my own place and stuff, ako kikilos lahat, tapos magbibigay pa ako for the family. Pero kakayanin. Alam kong kaya kong bumukod. Kasi nagagawa ko na 'yun.
* Gusto ko ng laptop, para madadala ko sa aking paupahang tahanan o kaya madadala ko kung saan man kapag gusto ko ng bagong working environment. Siguro uunahin ko ang pag-aambisyon dito. :)
* Gusto kong magpatuloy sa pagsusulat. Masaya ako sa ginagawa ko ngayon. Sumusulat ng balita na pang-madaling araw, tapos gumagawa ng web content articles, at tumatanggap ng commissioned work. Alam ko, ayaw dito ng parents ko, pero gusto kong walang magbawal sa akin dito dahil passion ko ito. Gusto kong lumago pa ang aking web writing business.
* Gusto ko ng matabang bank accounts. Ipinapangako ko na sa susunod na taon, talagang kahit na anong mangyari, hihindi na ako kung kailangan para lang makapagtabi ako ng maski limandaang piso lang sa bawat sweldo ko. Iba na talaga kasi ang may naitatabi.
* Gusto ko nang mabili ng bagong fridge ang aking family. At tumulong para matupad na ang minimithing family business ni Mama. Gusto ko rin na may maitulong para sa pag-aaral ni Toto.
* (Edited) Just to add... pero hindi necessarily in the next five years ko ito gustong mangyari (forever can wait, 'ika nga), kung magpapakasal, mag-aasawa, magpapamilya man ako... gusto ko sa kanya. Oo, alam niyo na siguro. Sa nag-iisa kong mahal.
Ayun muna sa ngayon. :)
Sige, kainan na. =)

Subscribe to:
Posts (Atom)