Sunday, November 30, 2008

The Advent Wreath



Wala lang... natuwa lang ako sa kuwento ni Fr. Mike tungkol sa Advent Wreath, kaya gusto ko itong i-share dito. :)

You see, first Sunday of Advent na kasi nitong nagdaang Sunday, kaya naman ibig sabihin, hudyat na rin para sindihan ang isa sa apat na candles ng Advent Wreath. Ano nga ba ang hitsura ng Advent Wreath? Well, it's basically just that: a wreath, but what makes it special eh 'yung four candles nga. 'Yung tatlo sa candles are colored purple, habang 'yung isa naman, colored rose. Bakit naman tayo merong Advent Wreath? Alam niyo kasi, nagsimula raw ito sa kuwento ng isang teacher, siguro ng mga preschool student, na tuwing December eh lagi siyang tinatanong kung malapit na bang mag-Pasko. Para hindi makulitan, the teacher devised a plan para mapaalam sa students how many weeks to go before Christmas in a more creative way. At dito nga nabuo ang concept ng Advent Wreath.

Sa first two weeks bago mag-Pasko, sinisindihan ni teacher ang dalawang purple candles mula sa wreath. Pagdating ng third and last week before Christmas, saka naman niya sisindihan ang rose candle. Simbolo ito na sobrang malapit nang dumating ang pinakahihintay nila, at 'yun nga ay ang Christmas. Sa mismong araw naman ng Christmas (o sa Sunday ba na ka-align ng Christmas? Not really sure which is which), saka sisindihan ang pang-apat na purple candle ng wreath.

Ayun. Wala lang. Nakakatuwa.

1st day of December. Kanina, habang nag-i-input ako ng content para sa intro spiels ng aming mga anchor, I remember feeling excited to put in, "Unang araw sa buwan ng Disyembre, taong dos mil ocho." Wala lang. It's all because Christmas is in the air.


CHRISTMAS IS LOVE. =)

No comments: