Nasa lugar ba ako? Siguro wala. Pero ito lang ang nararamdaman ko. Gusto ko lang ilabas. Actually, kung meron lang ako kaninang ballpen 'tsaka papel, kanina ko pa nailabas. Pero hindi ko 'yun nagawa. Pinilit ko na lang umuwi ng maaga pagkasimba ko, nag-ayos kaunti, ganun pa rin... at nag-log on.
Ako: Hindi mo ba ako pwedeng samahan mag-Mass?
Ito: Hindi kita pinipigilang magsimba. Pero uuwi na ako.
Sa bagay. Masakit ang ulo niya. At pagod siya. At... sa maraming dahilan. Ayoko na mag-usisa. Naiiyak na kasi ako nun.
So, sumakay na nga ako ng jeep. Tinignan siya habang paalis. Nakatingin din naman siya. Pero hindi na rin niya siguro nakita na unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko nun....
Hindi ko alam, pero kasi... nasasaktan ako. Ewan ko ba. I felt rejected. Pero alam ko, wala naman talaga akong laban. Masama pakiramdam niya. Kasama niya kapatid niya, at hinihintay na siya. Wala lang. Wala akong magawa.
Bumili ulit ako ng kape. Dalawang sachet. Mamaya, iinumin ko. Pero hindi na makakapaghintay ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan, now na 'yung cure. Dalawang "solusyon" ang naisip ko: uminom o mag-ice cream sa Ministop. Uminom? Nah, it's not like me. Mag-ice cream? Oh yes, usually a quality cone of ice cream cheers me up. And yes, kapag naglalakad ako mula FCM hanggang simbahan, in a weird way, nare-relieve ako ro'n. So I decided to take the latter, maglakad at mag-ice cream. Habang naglalakad ako, shit, hindi pa rin naiwasan ng puso ko na mag-emo. At parang gago lang, muntik pa akong mapa'no ng 'di oras dahil may lalaking nanlilisik ang mata na mukha (at amoy) lasing ang bigla na lang nag-"hi" at sumunod sa 'kin. Buti na lang, may ilaw pa ang streetlights (pumapatay kasi 'yun 'pag 7pm, ewan ko kung bakit), kaya ang ginawa ko, tyumempo ako na maraming sasakyan at saka ako tumawid. Buti na lang, parang na-distract pa 'ata 'yung gago, sinigawan pa ng mga sasakyan na muntik na siyang mabangga (sana tinuluyan niyo na!). Ayun. Nung naka-sure na 'ko na wala na ang kumag, tumawid na ulit ako. Sa eksenang 'yun, medyo na-divert ang atensyon ko sa kaba dahil nga sa gagong stalker na 'yun. Pero nung tumawid ako, parang may bad vibes... tumulo na naman ulit ang luha sa aking mga mata. Tumawid na naman ako, sa pag-aakalang nasa side ng kalsada ang dahilan kung bakit ako napapa-emo. Nakakainis, kasi wala pa rin... ganun pa rin. Promise talaga, kung nandun lang kayo, iisipin niyo may kung anuman akong iniiwasan o may topak lang ako.
So, nakarating ako ng Dahlia na parang... wala lang, mugto ang mga mata ko. Buti na lang, naka-cap ako. So... tumungo akong Ministop para mag-sundae. Ayun. Parang balik lang sa pagkabata... I ate it like a kid, pero hindi marumi. Hehe. Nakarating akong church, nag-a-ice cream pa rin. Pero lalo lang sumakit 'yung nararamdaman ko. Buti na lang madilim, hindi napansin ng mga nakasalubong ko at naka-"hello" ko na namumugto ang mga mata ko.
Misa. 'Yung lighting sa loob ng simbahan is parang rosy ang dating, so mukhang mugto ang mata ng lahat. Thank heavens. Tinry kong mag-concentrate sa pagsisimba. Somehow, it worked, kasi medyo OK ako pagkatapos. Pero nung nakasakay na ako ng trike, shit, ayan na naman. Hahay.
Naglakad ako. Galing kanto namin hanggang sa bahay. Somehow, umaasa ako na tumitingin din siya sa mga bituin na tinitingnan ko. Huwaaahhh, emo. Pero... ewan ko ba.
Sana....
Wala lang.
Hay.
Ano ba?
Ewan.
'Di ko maintindihan sarili ko.
Ang gusto ko talaga? Magparamdam ka naman sa kahit anong paraan kapag may chance ka. Hinahanap ko 'yun palagi. Kabit isang PM lang sa YM. O reply sa messages ko wherever. Kahit isa lang. Alam ko this is freakin' meager. Pero hinahanap-hanap ko 'yun.
Gusto kong makasama ka ng mas matagal. Pero ano nga naman kasi ang laban ko? Wala naman akong karapatan, kasi kapatid mo na 'yun.
Nasasaktan ako.
Hindi ko alam kung nasa lugar ako para maramdaman ito.
Pero wala akong magawa....
Kasi ito talaga ang nararamdaman ko.
Hay. Kakayod na nga lang muna ako.
Kahit ang mga luha ay tumutulo pa rin.
Kaunting kape lang katapat n'yan.
Hehehehe.
Tagay na.
Kasi, ang mahal ko....
Hindi ko masolo.
Hahaha.
Pathetic.
Buwisit na puso 'to.
No comments:
Post a Comment