Wala lang. Gusto kong magsulat. Naiinis lang ako kasi parang pressured ako sa time. Mamaya, 6 to 7pm, dry run na ng aming play para sa Nova Creative Fest. Dapat 3pm nasa assembly place na. Pero nagpaalam naman akong malelate kasi raraket pa ako. Hehe. Ngayon, it's past 2:30 na, kakatapos ko lang gumawa ng isang article, at feeling ko, issubmit ko na lang muna ito agad ngayon. Tapos, mag-aayos ako ng kwarto at super mukha nang basura dun ngayon.
Ang hirap din ng walang panggising sa madaling araw. Hehe. Nasabi ko nang wala na akong cellphone, 'di ba? Kaya ayun. Maghihintay pa ako ng payday para makabili ng bago. Paano kasi, 'yung pampaayos dun sa current CP ko, tama nang pambili ng bago at de-kalidad din namang cellphone. Kapag pinaayos ko pa ang current CP ko, may risk pa na maburiki lang 'yun. Hehe. Pero sayang din, andami kasing numbers dun eh. Hehe. At, nawawala pala 'yung SIM ko. So, wala na 'yung dati kong number. Baka mag-switch na rin ako ng network para lang masaya. Hehehe.
Malapit nang mag-Pasko, and yet mainit pa rin. Just to give you guys a heads up: may isang bagyo pa raw tayong aasahan bago magtapos ang year, according to Pagasa. Whatever. Mainit pa rin.
Still, sana maging masaya ang Pasko ko ngayong taon.
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana ay maghari
Sapat ng si Hesus ang kasama mo
Tuluy-tuloy pa rin ang Pasko.
ADVANCED MERRY CHRISTMAS PO SA LAHAT
Meanwhile....
Palagay ko, ako'y la-logout muna. Baka gabi na mag-o-online ang lolo ko. O baka, hindi na rin. :( Huhu. Pero sana, makausap ko siya bukas. Kasi... wala lang, walang pakialaman! Alam na rin naman siguro kung bakit.
I miss him. Hahay.
Palagay ko, ako'y la-logout muna. Baka gabi na mag-o-online ang lolo ko. O baka, hindi na rin. :( Huhu. Pero sana, makausap ko siya bukas. Kasi... wala lang, walang pakialaman! Alam na rin naman siguro kung bakit.
I miss him. Hahay.