Hindi ko alam sa umpisa na buntis ako. Basta ang alam ko lang, nagkakasugat ako at kung anu-ano sa balat ko nung mga panahong 'yun. Kung anu-anong gamot nainom ko, matanggal lang ang sakit. Kung anu-ano ang naipahid ko sa balat ko, gumaling lang 'yung sugat.
Nung magkaroon ako ng hint na buntis ako, I was fighting with my husband. He threatened to leave the house. I was more than willing. Marky was crying and hugging me. He's kinda scared that his parents were fighting. I drank coffee. Lots of it. Then I felt something in my womb. Something like a swimming creature in it. I remembered wishing na sana, hindi ako buntis para mas madali kong iwan ang ama nila. Kung buntis man ako, OK na rin, kakayanin ko ng mag-isa. Then, their dad suddenly came knocking on the front door, begging to go inside. Hindi siya umalis, tinotopak lang pala. Then, I forgot all about the swimming in my womb.
2 months na 'kong delayed. Bumili na si Daddy ng pregnancy test kit. I tested positive. Mixed emotions 'yung naramdaman ko. Merong parang "HUWAAATT" kasi nga wala pang 1 year old nun si Marky. Meron ding tuwa kasi magkakaroon na ng kalaro si Marky na nandito lang sa bahay... hindi na niya kakailanganin pang lumabas.
Nung buntis ako kay Marky, sobrang ayoko mag-ayos. Nahihilo ako sa amoy ng pabango, pulbo, kahit deodorant. Pero napipilitan na lang ako kasi siyempre, nagtatrabaho ako. Pero itong time na 'to, ang hilig-hilig kong mag-ayos. I discovered makeup and started wearing it every time I go out. I also dressed very girly, hilig kong mag-ayos talaga nun. Akala tuloy namin noon, babae ang dinadala ko.
Ultrasound at 6 months. It's confirmed --- hindi siya girl, kundi another boy. May kaunting hinayang, pero sige, OK na rin. I'm pretty sure he'll look good, kasi ang hilig ko nga nun mag-ayos. Torn pa kami nun kung anong ipapangalan sa baby. Daddy wants something like Marco... sa 'kin, OK lang kahit ano. Finally, we decided to name him Mark Cyrus.
November 20, 2011, 4:18pm. After almost 20 hours of excruciating labor, Cyrus was born. Normal delivery siya, pero it's not entirely normal. Sobrang tagal ng sakit sa bandang likod ko. Nararamdaman ko na ang tagal niya dun. Sigaw ako ng sigaw, "Ayoko na, ayoko nang magkaanak muna!!!" Nung lumabas siya, he didn't cry. Pero walang sinasabi ang doktor; ipinatong lang sa tiyan ko 'yung baby. I reached out to check kung OK siya. I was warned not to touch him. I saw him there, hindi siya umiiyak, pero parang nag-o-observe lang sa paligid. Tapos, he was cleaned. But it didn't end there. Hindi na 'ko nakakaramdam ng contractions, pero hindi pa lumalabas 'yung placenta. Tarantang-taranta sila. Hila sila ng hila sa matris ko... feeling ko nun, lalabas na rin buong matris ko sa katawan ko. Eventually, natanggal nila 'yung placenta. Nang hiwa-hiwalay. Nakaramdam na 'ko ng hindi magandang nangyayari. Nabasa ko somewhere na 'yung placenta must be brought out in one whole piece. Tapos hindi pa umiyak 'yung baby. Pero after 2 hours yata 'yun, umiyak din siya dahil gutom na. Ngatngat na ng ngatngat sa mittens niya....
Sosyal ang ward ko nun. Aircon, solo kami ni Cyrus. But Daddy refused to allow me to breastfeed him, kahit feeling ko basang basa na nipples ko nun. They bought a little bottle outside and fed him formula. Dapat pala, sinunod ko ang instinct ko....
We were advised na ipa-newborn screening siya, but we didn't kasi Daddy said 'wag na, dagdag-gastos lang 'yan. Nung unang bakuna niya sa health center, inadvise din kaming ipa-newborn screening siya. Pero Daddy still refused. Sunod naman ako ng sunod. Dapat pala, sinunod ko ang instinct ko....