Kanina, I've spent the last P50 in my wallet. Sweldo naman tomorrow dun sa isa kong raket... kaya lang, mga bandang hapon pa 'yun darating. 0_o So... I dunno. OK na ako papunta sa office. Ang tanong, kung paano ako makakauwi.
Hehehe. Anyway, hindi ko pa naman nabibilang 'yung coins ko. Baka makasapat na rin pamasahe pauwi.
Hahay. I can say this is one of the perks of budgetting your own money for yourself and for your family, whom you support.
Bakit naman perk? Isn't it supposed to be a disadvantage all because it's so hard to budget? Para sa 'kin, perk ito kasi super dami kong natututunan. Siguro 'yung pinakaastig na mga natutunan ko about budgeting are as follows:
* SAVE. Siguro maswerte ako ngayon kasi binabaha ako ng raket. That is, NGAYON. Hindi pa rin tayo nakakasiguro sa bukas, kamakalawa, sa susunod na taon. Kaya habang nandyan pa ang mga raket, MAGTIPID. Kahit P500 lang kada sweldo. Always make sure you have something to deposit every single payday sa iyong bank accounts. Humindi sa expenses kapag kinakailangan. Hindi naman sa nagkukuripot ka. Anyway, balang araw, pag ginawa mo 'to, you can make libre all you want. Hehehe. Or, maybe hindi pa rin... pero at least, kapag totoong nangailangan ka na, lagi kang may madudukot.
Assessment:
Grabe, I've failed miserably in this area. Two bank accounts have mga P2k each. One has a tumataginting na P180. Ang nakakaloka ro'n, merong P3k na minimum dapat na laman 'yun every month. Kumusta naman. Hindi malayong mag-negative ang balanse ko anumang oras mula ngayon.
Aminado ako na naging aimless ang aking paggastos nitong nakaraang mga buwan simula nang magtungo at makabalik ako from Australia para sa WYD. Ang aim ko talaga ay bawiin ang lahat ng nagastos ko para sa WYD. Ang tangi ko lang talagang motivating factor eh 'yung fact na na-finance ko ng ako lang ang WYD, kaya sure ako na makaka-save din ulit ako ng ganun kalaki. Nung una, successful ako. Pero ngayon, nawawala ang aking resolve na mag-ipon. Kaya pagsapit ng Enero, hopefully. Hehe. Sana.
* INVEST. May parable tungkol dito, 'di ba? 'Yung mga lalaking binigyan ng gold coins ba 'yun (basta coins) tapos inatasan sila ng kanilang master na palaguin pa 'yung binigay sa kanila. Sa ngayon, ano na ba ang nainvest ko? Here goes:
-> (Most recent) Siyempre, itong pa-rebond ko, hehehe
-> A digicam (na ngayon ay pinapaayos. Ito lang ang masasabi ko, hindi kasi ako ang bumili nun.)
-> An electric fan (na nasa parents' bedroom)
-> My cellphone (na ngayon ay sira na dahil lumangoy sa kape. Huwaaahhh, ang karma.... =(
-> 'Yung mouse nitong PC namin (as if that's even significant)
Ayun lang natatandaan ko.
Siyempre, nakapag-invest din ako ng web writing business with the fiance ng walang gastos (ang tangi ko lang talagang gastos dun is 'yung envelopes 'tsaka siguro pamasahe na rin papuntang bangko, hehehe). Talagang gusto kong lumago pa ito. Kahit ilan lang kaming nagsusulat. Anyway, nakakawindang din 'pag sobrang dami.
Sa darating na taon, I'm planning to invest on a laptop. =) Plano ko ring bilhan ng bagong keyboard itong PC namin, 'tsaka hard disk. Tapos, 'yung matagal ko nang ipinangakong fridge. Hehehe. Ayun muna for now.
'Yun lang so far.
Ngayong Pasko, hindi muna ako magtitipid. I want to spend for my family and friends sa community at sa work. Pero syempre, hindi ganun kabongga. Hehe. 'Tsaka ang pinaka-urgent, kailangan ko ng cellphone.
Actually, masaya naman ako na walang cellphone. Kaya lang kasi, siyempre, career woman ako (yuck, hanggang ngayon, 'di ko pa rin feel), so people have to have some contact with me wherever and whenever. Ayun. Kaya... sa darating na sweldo ro'n sa TV raket ko, bibili na ako ng cellphone. Ayoko na ng magandang cellphone. Para sa akin, tama na 'yung nakakatawag at nakaka-text. 'Tsaka siyempre, matibay.
Ayun lang.
MARYAN, GROW UP.
No comments:
Post a Comment