Tuesday, December 9, 2008

Musings

I don't really have a Christmas wish list just yet. And yeah, I don't think that I will ever need one. But I do have New Year's resolutions already. Maybe I'll post them here some other time.

For this Christmas, maybe the following wish list would suffice:

* Noche buena and gifts for the family
* I want a quiet Christmas. If this could be a Christmas where I could spend the whole day alone or doing stuff at Church, the better.
* LOVE.

That's it, I guess.

And by the way, I'll pursue my plan to move out on January. I'm still looking for a place to move to. My options, currently, are Zuzuarregui, Almar, and East Fairview. The good thing about East Fairview and Almar is that everything's complete in there--the location is very strategic and has many options for transpo, shopping, business, and even church. Zuzuarregui, on the other hand, is rad because it is very near my offices, is very affordable (P2,500 for a studio-type place, complete with water, electricity, and furniture), and is near a major road, although one still has to travel to be able to get to the nearest mall or church. But it was great. Right now, I'm still confirming if there are still available locations for me on all three options. And then, once Eds is ready, she'll move in with me, too.

Is this a permanent thing already? Not yet. Maybe I'm gonna try for a month first. If it's OK, and I find that it is actually more cost efficient than staying at home, then I might as well continue it. My plans are already all set--yes, even mitigating measures in case emergency cases come up.

I guess this is the biggest decision I've made so far, to move out, finally.

And nope, this is NOT a move to get closer to Kris. This is something I wanna do for my own fulfillment.

That's it.

Tuesday, December 2, 2008

On Money Matters

Paano kaya ako makaka-survive bukas?

Kanina, I've spent the last P50 in my wallet. Sweldo naman tomorrow dun sa isa kong raket... kaya lang, mga bandang hapon pa 'yun darating. 0_o So... I dunno. OK na ako papunta sa office. Ang tanong, kung paano ako makakauwi.

Hehehe. Anyway, hindi ko pa naman nabibilang 'yung coins ko. Baka makasapat na rin pamasahe pauwi.

Hahay. I can say this is one of the perks of budgetting your own money for yourself and for your family, whom you support.

Bakit naman perk? Isn't it supposed to be a disadvantage all because it's so hard to budget? Para sa 'kin, perk ito kasi super dami kong natututunan. Siguro 'yung pinakaastig na mga natutunan ko about budgeting are as follows:

* SAVE. Siguro maswerte ako ngayon kasi binabaha ako ng raket. That is, NGAYON. Hindi pa rin tayo nakakasiguro sa bukas, kamakalawa, sa susunod na taon. Kaya habang nandyan pa ang mga raket, MAGTIPID. Kahit P500 lang kada sweldo. Always make sure you have something to deposit every single payday sa iyong bank accounts. Humindi sa expenses kapag kinakailangan. Hindi naman sa nagkukuripot ka. Anyway, balang araw, pag ginawa mo 'to, you can make libre all you want. Hehehe. Or, maybe hindi pa rin... pero at least, kapag totoong nangailangan ka na, lagi kang may madudukot.

Assessment:
Grabe, I've failed miserably in this area. Two bank accounts have mga P2k each. One has a tumataginting na P180. Ang nakakaloka ro'n, merong P3k na minimum dapat na laman 'yun every month. Kumusta naman. Hindi malayong mag-negative ang balanse ko anumang oras mula ngayon.

Aminado ako na naging aimless ang aking paggastos nitong nakaraang mga buwan simula nang magtungo at makabalik ako from Australia para sa WYD. Ang aim ko talaga ay bawiin ang lahat ng nagastos ko para sa WYD. Ang tangi ko lang talagang motivating factor eh 'yung fact na na-finance ko ng ako lang ang WYD, kaya sure ako na makaka-save din ulit ako ng ganun kalaki. Nung una, successful ako. Pero ngayon, nawawala ang aking resolve na mag-ipon. Kaya pagsapit ng Enero, hopefully. Hehe. Sana.

* INVEST. May parable tungkol dito, 'di ba? 'Yung mga lalaking binigyan ng gold coins ba 'yun (basta coins) tapos inatasan sila ng kanilang master na palaguin pa 'yung binigay sa kanila. Sa ngayon, ano na ba ang nainvest ko? Here goes:

-> (Most recent) Siyempre, itong pa-rebond ko, hehehe
-> A digicam (na ngayon ay pinapaayos. Ito lang ang masasabi ko, hindi kasi ako ang bumili nun.)
-> An electric fan (na nasa parents' bedroom)
-> My cellphone (na ngayon ay sira na dahil lumangoy sa kape. Huwaaahhh, ang karma.... =(
-> 'Yung mouse nitong PC namin (as if that's even significant)

Ayun lang natatandaan ko.

Siyempre, nakapag-invest din ako ng web writing business with the fiance ng walang gastos (ang tangi ko lang talagang gastos dun is 'yung envelopes 'tsaka siguro pamasahe na rin papuntang bangko, hehehe). Talagang gusto kong lumago pa ito. Kahit ilan lang kaming nagsusulat. Anyway, nakakawindang din 'pag sobrang dami.

Sa darating na taon, I'm planning to invest on a laptop. =) Plano ko ring bilhan ng bagong keyboard itong PC namin, 'tsaka hard disk. Tapos, 'yung matagal ko nang ipinangakong fridge. Hehehe. Ayun muna for now.


'Yun lang so far.

Ngayong Pasko, hindi muna ako magtitipid. I want to spend for my family and friends sa community at sa work. Pero syempre, hindi ganun kabongga. Hehe. 'Tsaka ang pinaka-urgent, kailangan ko ng cellphone.

Actually, masaya naman ako na walang cellphone. Kaya lang kasi, siyempre, career woman ako (yuck, hanggang ngayon, 'di ko pa rin feel), so people have to have some contact with me wherever and whenever. Ayun. Kaya... sa darating na sweldo ro'n sa TV raket ko, bibili na ako ng cellphone. Ayoko na ng magandang cellphone. Para sa akin, tama na 'yung nakakatawag at nakaka-text. 'Tsaka siyempre, matibay.

Ayun lang.

MARYAN, GROW UP.

Sunday, November 30, 2008

Parang Tinatamad Ako Na Hindi Na Magtrabaho Ngayon

Sa bagay, holiday kasi and I'm not really supposed to go to work. Pero syempre, iba na ang may pangarap sa buhay. (Hahaha, gumaganun!)

Wala lang. Gusto kong magsulat. Naiinis lang ako kasi parang pressured ako sa time. Mamaya, 6 to 7pm, dry run na ng aming play para sa Nova Creative Fest. Dapat 3pm nasa assembly place na. Pero nagpaalam naman akong malelate kasi raraket pa ako. Hehe. Ngayon, it's past 2:30 na, kakatapos ko lang gumawa ng isang article, at feeling ko, issubmit ko na lang muna ito agad ngayon. Tapos, mag-aayos ako ng kwarto at super mukha nang basura dun ngayon.

Ang hirap din ng walang panggising sa madaling araw. Hehe. Nasabi ko nang wala na akong cellphone, 'di ba? Kaya ayun. Maghihintay pa ako ng payday para makabili ng bago. Paano kasi, 'yung pampaayos dun sa current CP ko, tama nang pambili ng bago at de-kalidad din namang cellphone. Kapag pinaayos ko pa ang current CP ko, may risk pa na maburiki lang 'yun. Hehe. Pero sayang din, andami kasing numbers dun eh. Hehe. At, nawawala pala 'yung SIM ko. So, wala na 'yung dati kong number. Baka mag-switch na rin ako ng network para lang masaya. Hehehe.

Malapit nang mag-Pasko, and yet mainit pa rin. Just to give you guys a heads up: may isang bagyo pa raw tayong aasahan bago magtapos ang year, according to Pagasa. Whatever. Mainit pa rin.

Still, sana maging masaya ang Pasko ko ngayong taon.

Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana ay maghari
Sapat ng si Hesus ang kasama mo
Tuluy-tuloy pa rin ang Pasko.



ADVANCED MERRY CHRISTMAS PO SA LAHAT

Meanwhile....

Palagay ko, ako'y la-logout muna. Baka gabi na mag-o-online ang lolo ko. O baka, hindi na rin. :( Huhu. Pero sana, makausap ko siya bukas. Kasi... wala lang, walang pakialaman! Alam na rin naman siguro kung bakit.

I miss him. Hahay.

Nood Po Kayo Ng Play Namin =)


For reservations, please contact Cheann at 09275042673. =) Tickets are priced at P100 and P150.

Ito ang lahok namin sa Tanglaw, isang patimpalak ng mga stage plays ng bawat vicariate sa ilalim ng Diocese of Novaliches.

Very simple, yet very touching story. Ako man ay na-move sa lines namin. Hehe.

Nood kayo, a? :)

Sana mai-share namin sa inyo sa pamamagitan ng play na ito kung ano talaga ang spirit ng Christmas.

Clue: Base sa natutunan ko sa play, bawat isa ay may iba't ibang kahulugan ng Pasko. Pero the bottom line is still JESUS CHRIST. Waay na iba pa. :)

See you at Robinson's next week! :)

The Advent Wreath



Wala lang... natuwa lang ako sa kuwento ni Fr. Mike tungkol sa Advent Wreath, kaya gusto ko itong i-share dito. :)

You see, first Sunday of Advent na kasi nitong nagdaang Sunday, kaya naman ibig sabihin, hudyat na rin para sindihan ang isa sa apat na candles ng Advent Wreath. Ano nga ba ang hitsura ng Advent Wreath? Well, it's basically just that: a wreath, but what makes it special eh 'yung four candles nga. 'Yung tatlo sa candles are colored purple, habang 'yung isa naman, colored rose. Bakit naman tayo merong Advent Wreath? Alam niyo kasi, nagsimula raw ito sa kuwento ng isang teacher, siguro ng mga preschool student, na tuwing December eh lagi siyang tinatanong kung malapit na bang mag-Pasko. Para hindi makulitan, the teacher devised a plan para mapaalam sa students how many weeks to go before Christmas in a more creative way. At dito nga nabuo ang concept ng Advent Wreath.

Sa first two weeks bago mag-Pasko, sinisindihan ni teacher ang dalawang purple candles mula sa wreath. Pagdating ng third and last week before Christmas, saka naman niya sisindihan ang rose candle. Simbolo ito na sobrang malapit nang dumating ang pinakahihintay nila, at 'yun nga ay ang Christmas. Sa mismong araw naman ng Christmas (o sa Sunday ba na ka-align ng Christmas? Not really sure which is which), saka sisindihan ang pang-apat na purple candle ng wreath.

Ayun. Wala lang. Nakakatuwa.

1st day of December. Kanina, habang nag-i-input ako ng content para sa intro spiels ng aming mga anchor, I remember feeling excited to put in, "Unang araw sa buwan ng Disyembre, taong dos mil ocho." Wala lang. It's all because Christmas is in the air.


CHRISTMAS IS LOVE. =)

Saturday, November 29, 2008

Major OUCH.

Nasa lugar ba ako? Siguro wala. Pero ito lang ang nararamdaman ko. Gusto ko lang ilabas. Actually, kung meron lang ako kaninang ballpen 'tsaka papel, kanina ko pa nailabas. Pero hindi ko 'yun nagawa. Pinilit ko na lang umuwi ng maaga pagkasimba ko, nag-ayos kaunti, ganun pa rin... at nag-log on.

Ako: Hindi mo ba ako pwedeng samahan mag-Mass?
Ito: Hindi kita pinipigilang magsimba. Pero uuwi na ako.

Sa bagay. Masakit ang ulo niya. At pagod siya. At... sa maraming dahilan. Ayoko na mag-usisa. Naiiyak na kasi ako nun.

So, sumakay na nga ako ng jeep. Tinignan siya habang paalis. Nakatingin din naman siya. Pero hindi na rin niya siguro nakita na unti-unti nang tumutulo ang mga luha ko nun....

Hindi ko alam, pero kasi... nasasaktan ako. Ewan ko ba. I felt rejected. Pero alam ko, wala naman talaga akong laban. Masama pakiramdam niya. Kasama niya kapatid niya, at hinihintay na siya. Wala lang. Wala akong magawa.

Bumili ulit ako ng kape. Dalawang sachet. Mamaya, iinumin ko. Pero hindi na makakapaghintay ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan, now na 'yung cure. Dalawang "solusyon" ang naisip ko: uminom o mag-ice cream sa Ministop. Uminom? Nah, it's not like me. Mag-ice cream? Oh yes, usually a quality cone of ice cream cheers me up. And yes, kapag naglalakad ako mula FCM hanggang simbahan, in a weird way, nare-relieve ako ro'n. So I decided to take the latter, maglakad at mag-ice cream. Habang naglalakad ako, shit, hindi pa rin naiwasan ng puso ko na mag-emo. At parang gago lang, muntik pa akong mapa'no ng 'di oras dahil may lalaking nanlilisik ang mata na mukha (at amoy) lasing ang bigla na lang nag-"hi" at sumunod sa 'kin. Buti na lang, may ilaw pa ang streetlights (pumapatay kasi 'yun 'pag 7pm, ewan ko kung bakit), kaya ang ginawa ko, tyumempo ako na maraming sasakyan at saka ako tumawid. Buti na lang, parang na-distract pa 'ata 'yung gago, sinigawan pa ng mga sasakyan na muntik na siyang mabangga (sana tinuluyan niyo na!). Ayun. Nung naka-sure na 'ko na wala na ang kumag, tumawid na ulit ako. Sa eksenang 'yun, medyo na-divert ang atensyon ko sa kaba dahil nga sa gagong stalker na 'yun. Pero nung tumawid ako, parang may bad vibes... tumulo na naman ulit ang luha sa aking mga mata. Tumawid na naman ako, sa pag-aakalang nasa side ng kalsada ang dahilan kung bakit ako napapa-emo. Nakakainis, kasi wala pa rin... ganun pa rin. Promise talaga, kung nandun lang kayo, iisipin niyo may kung anuman akong iniiwasan o may topak lang ako.

So, nakarating ako ng Dahlia na parang... wala lang, mugto ang mga mata ko. Buti na lang, naka-cap ako. So... tumungo akong Ministop para mag-sundae. Ayun. Parang balik lang sa pagkabata... I ate it like a kid, pero hindi marumi. Hehe. Nakarating akong church, nag-a-ice cream pa rin. Pero lalo lang sumakit 'yung nararamdaman ko. Buti na lang madilim, hindi napansin ng mga nakasalubong ko at naka-"hello" ko na namumugto ang mga mata ko.

Misa. 'Yung lighting sa loob ng simbahan is parang rosy ang dating, so mukhang mugto ang mata ng lahat. Thank heavens. Tinry kong mag-concentrate sa pagsisimba. Somehow, it worked, kasi medyo OK ako pagkatapos. Pero nung nakasakay na ako ng trike, shit, ayan na naman. Hahay.

Naglakad ako. Galing kanto namin hanggang sa bahay. Somehow, umaasa ako na tumitingin din siya sa mga bituin na tinitingnan ko. Huwaaahhh, emo. Pero... ewan ko ba.

Sana....

Wala lang.

Hay.

Ano ba?

Ewan.

'Di ko maintindihan sarili ko.

Ang gusto ko talaga? Magparamdam ka naman sa kahit anong paraan kapag may chance ka. Hinahanap ko 'yun palagi. Kabit isang PM lang sa YM. O reply sa messages ko wherever. Kahit isa lang. Alam ko this is freakin' meager. Pero hinahanap-hanap ko 'yun.

Gusto kong makasama ka ng mas matagal. Pero ano nga naman kasi ang laban ko? Wala naman akong karapatan, kasi kapatid mo na 'yun.

Nasasaktan ako.

Hindi ko alam kung nasa lugar ako para maramdaman ito.

Pero wala akong magawa....

Kasi ito talaga ang nararamdaman ko.

Hay. Kakayod na nga lang muna ako.

Kahit ang mga luha ay tumutulo pa rin.

Kaunting kape lang katapat n'yan.

Hehehehe.

Tagay na.

Kasi, ang mahal ko....

Hindi ko masolo.

Hahaha.

Pathetic.

Buwisit na puso 'to.

Thursday, November 27, 2008

If You Only Knew




I give you anything everything
If you would be mine
I give you stars above and all my love

* How can you be so blind, so blind
I'm going up my mind
All the time for you
Yes it's true

Refr. If you only knew that I'm crazy for you
then you'll understand
If I only knew what's you're goin' through
then I'll understand

Now I know that I have no chance
Oh... to make your mind
But if I own the world
Would you be my (man)

I love you, Kris......
Kailan ba kita pwedeng mahalin na wala nang magagalit dahil mahal kita?
Magagawa ko bang pigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo....
Kung seryosong oras-oras, minu-minuto, hindi ko maiwasang maisip ka....
Kung seryosong tuwing makakakita ako ng iba, bigla na lang sasagi sa isipan ko na iba ka talaga....
Kung seryosong sa tuwing maiisip kita, grabe ang pagtibok ng puso ko....
Kung sa tuwing tumitibok ang puso ko, laging nabubuksan ang aking mga mata sa hinaharap....
Sa isang hinaharap kasama ka....
Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, 'andito pa rin ako para sa 'yo.
Mahal na mahal kita....

If I'm not in love with you
What is this I'm going through
Tonight
And if my heart is lying then
What should I believe in
Why do I go crazy
Every time I think about you, baby
Why else do I want you like I do
If I'm not in love with you

And if I don't need your touch
Why do I miss you so much
Tonight
If it’s just infatuation then
Why is my heart aching
To hold you forever
Give a part of me I thought I’d never
Give again to someone I could lose
If I'm not in love with you

Why in every fantasy
Do I feel your arms embracing me
Lovers lost in sweet desire
Why in dreams do I surrender
Like a little baby
Someone help explain this feeling
Someone tell me..........