Tuesday, June 8, 2010

It's "Eight" Day Today =)

OK... it's June 9 today, and not June 8... so what's with the title?

Wala lang. =) 8th anniversary kasi namin ngayon ni Daddy. =) And today also marks Baby Marky's 8th month in my tummy!=) Ang likot-likot nga niya kaninang umaga... parang nagpapahiwatig na, "O, Mommy, I'm 8 months na... getting bigger and healthier and more alive and kicking!" Sa tuwa ko, sumagot ako sa kanya ng, "Oh yes, Baby... malapit ka nang lumabas... happy 8th month, Marky!" =)

As for Daddy, well... ang sarap kasi ng tulog ko kaninang madaling araw... sans the fact na ilang beses na palang nagwala 'yung alarm ng cellphones namin. :o But it's not the alarms that woke me up, but three kisses from Daddy... sa lips, sa forehead at sa nose. =) Then, we hugged and he greeted me, "Happy June 9." :p Yikee. :p

Umiyak pa 'ko kaninang umaga kasi I found out na hindi niya 'ko tinabihan buong gabi. He has been celebrating sa living room with his brothers while waiting for me to wake up! Inexplain na lang niya sa 'kin... sa totoo lang daw, natatakot talaga siyang tumabi sa 'kin 'pag natutulog kasi natatakot siyang masipa ang tiyan ko! :o Poor Daddy. Kaya pala ever since mabuntis ako, lagi na lang siyang nagrereklamong bitin ang tulog niya. :o

Kaya lang sobrang importante sa 'kin na palagi siyang makatabi sa pagtulog. :o Ewan ko ba... kasi there are times when I'd feel lonely or insecure, at kapag natatabig ko siya sa kama 'pag gabi, parang napapayapa ang aking kalooban at nase-secure ako. :o Ayun lang....

I hope I can buy my planned gift for him later... although sabi niya sa 'kin kanina, mas pabor siya kung pera na lang ireregalo ko para sa panganganak ko! Nyahaha.... :p

No comments: